Hindi lang pag-arte sa mabibigat at seryosong papel ang gustong patunayan ni Elijah Canlas kundi nais din niyang ipakita na kaya niyang magpatawa at magdala ng isang comedy film,

“Ito yung gusto ko ma-prove ever since. Wala kasi nagtitiwala sa akin sa comedy, kaya ngayon na nakagawa na ako ng comedy, sana there are more opportunities,” pahayag niya.

Hindi rin itinago ng aktor na malaking hamon para sa kanya ang pagpasok sa comedy genre.

Hindi raw sapat na basta magpatawa lamang, kailangan ding daw pag-aralan ng isang artista ang tamang timing, set-up, punchline, karakter at delivery.

Paliwanag niya, “It really is the hardest. It’s the hardest genre to do as an actor, at least.”

Bilang isang mahusay na aktor sa industriya, inamin ni Elijah na may mga pagkakataong nagdadalawang-isip siyang ilabas ang kanyang mga ideya dahil baka isipin ng iba na corny o hindi magandang suhestiyon ang mga ito.

Pero nang makita raw niya ang ginagawa ni John Arcilla natutuhan na rin niyang mas magiging bukas rin siya ng pagbibigay ng sariling kontribusyon sa susunod niyang proyekto.

Saad pa niya, kung may ideya, mas mabuting ibahagi ito dahil baka sakaling gumana at makatulong. (Beth Gelena)

The post Elijah Canlas hirap sa comedy first appeared on Tonite - Abante.